Maaari pa ring palitan ng mga bangko sa bansa ang mga perang may sira na.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), pinakiusapan nito ang mga bangko na tanggapin ang mga perang sira na basta’t pumasa ito sa minimum requirements na laki, pagkakaroon ng security features at hindi sinadya ang pagkasira ng pera ay maaari pa itong palitan.
Pinapahalagahan din ng BSP ang pagkakaroon pa rin ng embedded security thread maliban kung ito ay nasira dahil sa sunog, tubig, kemikal o kinain ng anay o mga daga.
Habang hindi nila papalitan ang mga security thread na sinadyang tanggalin.