Nangangailangan ng libo-libong skilled workers ang mga bansang Canada at Slovenia.
Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, inihahanda na nila ang bilateral labor agreement sa pagitan ng Pilipinas at Canada, kasuno ng naunang kasunduan na ito ay government to government track.
Nasa higit 2,000 skilled at semi-skilled workers ang kailangan sa Canada samantalamg nasa halos 5,000 naman sa Slovenia.
Nasa pagitan ng P50,000 hanggang P75,000 kada buwan ang sweldong maaaring matanggap.
Dagdag pa ng ahensya, mas malaki ang posibilidad na matanggap ang mga nakapagtrabaho na sa bansa kaysa sa mga hindi pa ekspiryensado.
Sa ngayon ay pinaghahanda na ng POEA ang mga interesadong aplikante ng kanilang mga passport, training certifications at iba pang kaukulang dokumento habang pinaplantsa nila ang nasabing kasunduan.