Nasabat ng mga tauhan ng PCG o Philippine Coast Guard at PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency ang nasa 158 kahon ng mga smuggled na sigarilyo sa pier sa Zamboanga City.
Nagkakahalaga ito ng labing isang milyong piso.
Batay sa ulat, unang inireport sa mga otoridad ang kanina-hinalang dami ng mga tobacco products na lulan ng MV Kristel Jane 3.
Ayon sa PDEA at PCG, nadiskubre nila ang mga ipinuslit na sigarilyo na nakatago sa engine room ng barko.
Sinasabing galing Sandakan, Malaysia ng sigarilyo.