Nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs at Department of Agriculture ang kahun-kahong smuggled na carrots at mga cauliflower sa Divisoria, Maynila.
Ayon sa mga otoridad, agad silang nagsagawa ng operasyon dahil sa reklamo ng mga vendor kung saan, bumabaha ang suplay ng mga carrots sa lugar.
Ang mga nakumpiskang smuggled na gulay ay mula umano sa bansang China na walang kaukulang permit mula sa Lokal na Pamahalaan.
Wala namang nahuling nagtitinda ng mga smuggled na gulay dahil itinatanggi ito ng mga vendor sa nabanggit na lugar pero patuloy paring tinutugis ng mga otoridad ang responsable sa mga nakumpiskang gulay.
Nagbabala naman ang mga otoridad sa mga mahuhuling nagbebenta ng smuggled na gulay na posibleg maharap sa kasong paglabag sa Anti-Smuggling Act., paglabag sa Food Security Act. at Economic Sabotage. —sa panulat ni Angelica Doctolero