Sumabak sa livelihood training ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga solo parent sa Midsayap, Cotabato City.
Ang naturang programa ay tinawag na ‘Naalaskabuhayan’, ay pinangangasiwaan ng Alaska Corporation at ilang Local Government Unit (LGU) ng Midsayap at Galingsayap Group of Entrepreneurs.
Dinaluhan naman ni Midsayap Mayor Roly Sacdalan ang naturang aktibidad at hinikayat ang mga solo parent na matuto ng iba’t ibang pangbkabuhayan at maging madiskarte sa buhay.
Pinasalamatan naman ng alkalde ang Alaska sa pagpili ng kanyang bayan para maging bahagi ng selebrasyon ng ika-50 anibersaryo nito sa pamamagitan ng pagbigay kaalaman sa mga solo parents na kanilang maaaring maging pangkabuhayan. - sa panulat ni Hannah Oledan