Naglatag si Senador Cynthia Villar ng mitigating measure kung paano masosolusyunan ang naging sobrang pagtaas sa presyo ng bawang.
Sa panayam ng programang “Ratsada Balita”, sinabi ni Villar, Chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food, na marapat lamang na matulungan ang mga magsasaka mula sa Ilocos Norte at Ilocos Sur para makapag-produce ng maraming bawang.
Ayon pa kay Villar, nakipag-ugnayan na rin siya sa Bureau of Soils and Water Management kung saan kanilang napag-usapan na kabilang sa mga lugar na maaaring pagtamnan ng bawang ay Mindoro, North Cotabato at Sarangani.
“Dapat tulungan ang mga farmers ng Ilocos Sur at Ilocos Norte to produce more at ang complain nila is yung seedling, so dapat mag-allocate sila ng resources to provide seedlings, nahihirapan sila kasi yung seedling is mismong bawang din kulang na nga ang suplay, sabi nila nag-aaral sila, may tissue culture sila eh noon pa natin sinasabi noong 2014 ang sabi sa 2018 pa daw mapo-produce yung tissue culture na yun.” Ani Villar
Bukod dito, sinabi ni Villar na dapat ay dagdagan ang pondo sa pagbili ng garlic seeds.
“Total budget nila mula sa seeds, lahat lahat ng crops, 2.5 billion pesos, 900 million yung sa rice, the rest dini-divide nila sa corn at high-valued crops, pinapa-breakdown ko na kung kanino allocated yung 2.5 billion para makita natin kasi kulang eh di dagdagan at maayos yung seeds na ibinibigay, kasi maraming complaints na yung seeds na ibinibigay ay hindi tama to produce more, kasi kailangan ang production mag-increase with better seeds.” Pahayag ni Villar
By Meann Tanbio | Ratsada Balita (Interview)
Photo: Philippine Senate Committee On Agriculture and Rural Development