Natanggap na ng mahigit dalawang milyong pensyonado ng SSS o Social Security System ang kanilang 13th month at pensyon para ngayong buwan.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel Dooc , ipinasok na simula nuong November 15 sa mga bangko ang pondo para sa 13th month at December pension.
Sinabi ni Dooc na ito ay upang magkaroon ng sapat na panahon ang mga bangko sa pagpasok ng pera sa mga bank account ng mga pensioners upang hindi ito maantala ngayong kapaskuhan.