Nababahala naman ngayon ang mga residente maging ang mga may-ari ng resort at establisyemento sa isla ng Boracay hinggil sa mga panukala para maresolba ang problema sa kalikasan na kanilang kinahaharap.
Ito’y makaraang ihayag ni Department of Interior and Local Government o DILG Assistant Secretary Epimaco Densing III ang pansamantalang pagpapasara at pagsasailalim sa state of emergency sa buong isla.
Ayon kay Konsehal Nenette Graf na siya ring Pangulo ng Boracay Foundation Incorporated, hindi aniya ito patas para sa mga hotel at resort owners na aniya’y sumusunod naman sa batas.
Nakasunod na rin aniya sa mga panuntunan ang mga establisyemento na una nang natukoy na lumabag sa batas pangkalikasan kaya’t masasabing absuwelto na sila sa anumang parusa.
Babala pa ni Graf, bilyong-bilyong piso aniya ang tiyak na mawawala at marami ang magugutom sa sandaling ituloy ng pamahalaan ang planong ito.
Posted by: Robert Eugenio