Isasailalim sa profiling ng Philippine National Police ang lahat ng stall owner sa Salaam Bazaar sa Novaliches Plaza Mall, Quezon City.
Ito’y makaraang maaresto ang namamahala ng Bazaar na si Rasdy Malawani na bayaw ng Maute Brothers at Financier umano ng teroristang grupo na Maute-ISIS.
Ayon kay N.C.R.P.O. Chief, Dir. Oscar Albayalde, walang dapat ika-bahala ang mga may pwesto sa Salaam Bazaar kung mapatunayan sa profiling na wala silang iligal na gawain.
Ibinunyag ni Albayalde na aabot sa 300 Libong Piso ang kita ng bazaar kada buwan na ipinadadala ni Malawani sa Marawi City.
Patunay anya ito na hindi lang sa drug money nanggaling ang pondo ng teroristang grupo kundi maging sa mga lehitimong negosyo.