Hindi na mangongolekta ng Matrikula simula sa susunod na taon ang mga State Universities at Colleges.
Ayon ito kina Senador Loren Legarda at CHED Chairperson Patricia Licuanan matapos maaprubahan ang 2017 budget ng komisyon na umaabot sa 8. 3 Billion Pesos.
Sinabi ni Licuanan na ang nasabing budget ay para sagutin ang matrikula ng mga estudyante sa mga SUC’S.
Gayunman ipinabatid ni Licuanan na pinag aaralan pa nila kung paano hahatiin ang nasabing pondo sa 111 SUC’S.
Inihayag naman ni Legarda na indigent students ay uubrang mag avail ng grants at aid para sa miscellaneous fee sa ilalim ng ibat ibang program.
Ang libreng matrikula aniya para lamang sa mga estudyanteng nagmula sa mahihirap na pamilya na hindi mapag aaral sa kolehiyo ang kanilang mga anak.
By: Judith Larino