Pumalo na sa mahigit 7,000 pasahero ang istranded ngayon sa iba’t ibang pantalan sa buong bansa dahil sa bagyong Lando.
Sa pinakahuling tala ng Philippine Coast Guard, aabot sa 7,497 pasahero ang istranded sa NCR, Central Visayas, Southern Tagalog, Bicol, Hilagang Silangan ng Luzon, Palawan gayundin sa Western Visayas.
Pitumpu’t walong (78) barko, 51 motor banca at 671 rolling cargo ang hindi pinayagang makabiyahe dahil sa bagyo.
Kaugnay nito, pinapayuhan ng Coast Guard ang lahat ng yunit nito na tiyakin ang mahigpit na pagpapatupad ng mga guidelines sa paglalayag ng mga sasakyang pandagat kapag masama ang panahon.
By Jaymark Dagala