Patuloy na dumarami ang mga pasahero sa iba’t ibang panig ng bansa dahil sa banta ng bagyong Nona partikular dito ang pantalan sa Bacolod.
Kasunod na rin ito nang pagsuspinde ng Philippine Coast Guard sa biyahe ng lahat ng mga sasakyang pandagat mula sa Bacolod patungo sa iba’t ibang lugar lalo na sa may banta ng bagyo.
Ayon kay Coast Guard Bacolod Head Lt. Commander Ramil Palabrica, alas-6:00 pa lamang kagabi ay suspendido na ang biyahe ng mga ro-ro vessels maging ng malalaking barko patungo sa Maynila, Batangas, Mindoro at Cebu.
Alas-9:30 naman kagabi ay sinuspinde ang biyahe ng ro-ro at fast crafts na Bacolod-Iloilo dahil sa storm signal sa northern Negros.
By Judith Larino