Pinayagan nang makauwi sa kani-kanilang bayan ang 19 na manggagawang na-stranded sa Boracay Island matapos magsara ang ilang border sa mga probinsya sa western Visayas.
Ayon kay Malay acting Mayor Frolibar Bautista, nabigyan na ang naturang mga manggagawa ng travel pass sa tulong ng Public Employment Service Office (PESO) at lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan.
Aniya ang ilan sa mga ito ay uuwi sa Pandan, Antique, at Numancia, Aklan.
Patuloy pa rin aniya na nakikipag uganayan ang Malay PESO sa mga lokal na pamahalaan para matulugang makauwi at tanggapin sa kanilang mga lugar ang naturang mga manggagawa.