Pansamantalang hindi magagamit ng mga subscribers sa Visayas at Mindanao ang kanilang mobile data at home broadband internet.
Ito, ayon sa Globe Telecom, ay bunsod ng mga nangyaring fiber cuts na dulot ng magnitude 5.5 na lindol na yumanig sa Occidental Mindoro kaninang umaga.
Sinasabing isang sasakyan ang sumabit sa kable ng Globe malapit sa San Juan Elementary School sa Tagkawayan, Quezon.
Naputol din umano ang isang submarine cable ng naturang telco dahil pa rin sa lindol sa Mindoro.
Ipinaliwanag naman ng Globe na kasalukuyan nang inaayos ng kanilang mga personnel ang nabanggit na aberya.