Makatitiyak ang publiko na pinakikinggan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng suhestiyon kung paano maiibsan ang epekto ng walang prenong pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Kabilang sa mga suhestiyon ay suspendihin ang Excise Tax sa fuel products at magdeklara ng State of Economic Emergency.
Ayon kay Acting Presidential Spokesman at Communications Secretary Martin Andanar, bukas si Pangulong Duterte sa mga payo ng mga eksperto.
Ilang mambabatas na rin anya ang sumusuporta sa suspensyon ng Excise Tax sa fuel products bilang panandaliang ginhawa sa gitna ng nagpapatuloy na oil price hike na pinalala ng giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Gayunman, tinanggihan ng Department of Budget and Management (DBM) ang panukala at nagbabalang maaaring magkaroon ito ng epekto sa pagpopondo sa social services ng gobyerno.