Pumalo na sa 8,731 ang sumailalim sa swab testing para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Makati City.
Ito ang lumabas sa datos ng ospital ng Makati at health department nito.
Ilan sa mga nasuri ang mga frontline workers, health workers, at mga may sintomas ng nakamamatay na virus.
Ayon naman sa alkalde nito na si Mayor Abby Binay, ang hakbang ay libreng isinagawa ng lungsod na layong maibukod at magamot ang sinumang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.
Ngayong araw, July 1, 2020, umabot na sa 8731 frontliners, health workers, probable patients, at persons under monitoring ang nakapag-test para sa COVID-19, ayon sa Makati Health Department at Ospital ng Makati. pic.twitter.com/kzON4oiv5m
— MyMakati (@Mayora_Abby) July 1, 2020
Iginiit pa ni Binay, mahalagang maisailalim ang mga frontliners sa swab testing dahil mayroong mga direct contact ang mga ito sa mga pasyenteng may virus.