Nanganganib ma-kansela ang prangkisa ng mga jeepney operator na lumahok sa transport strike, kahapon.
Ayon kay L.T.F.R.B. Board Member at Spokesperson, Atty. Aileen Lizada, alinsunod sa Memorandum 2011-004 ng ahensya ay pinagbabawalan ang mga operator na i-protesta ang anumang polisiya ng gobyerno.
Noon lamang anyang Biyernes ay naghain na sila ng mga kaso laban sa transport group leader na si George San Mateo ng PISTON dahil sa paglulunsad ng tigil-pasada noong Pebrero.
Kahapon ay ang grupo rin nina San Mateo kasama ang Stop and Go Coalition ni Jun Magno ang nag-tigil pasada na ikatlo nilang protesta laban sa jeepney modernization.
Umaasa si Lizada na mauunawaan ng mga transport group na para sa ikagiginhawa ng mga commuter maging ng mga operator at driver ang modernisasyon ng mga public utility vehicle.
SMW: RPE