Sinisilip na ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang mga natatanggap na sumbong na extortion sa ilang pharmaceutical companies na nais magtayo ng vaccine manufacturing facilities sa bansa.
Kasunod ito ng report ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry na tatlong pharmaceutical firms na ang umatras sa planong pagtatayo ng vaccine manufacturing facilities sa bansa matapos hingan ng lagay at sa halip ay sa Thailand at Vietnam na lamang magtatayo ng mga nasabing pasilidad.
Tiniyak ni ARTA Director General Jeremiah Belgica na aalamin nila kung sino ang nasa likod nang paghingi ng lagay sa mga nasabing pharmaceutical companies.
Ang ARTA ang nangunguna para sa pagkakaroon ng green lane sa mga nagbabalak maging local vaccine manufacturer.