Tiniyak ng Civil Service Commission o CSC na makakarating sa Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng sumbong na tinatanggap nila sa 8888.
Dahil dito, nakiusap si CSC Chairperson Alicia dela Rosa-Bala sa publiko na gawing diretso ang pagbibigay ng sumbong upang mas marami silang mapagbigyang tawag.
Upang hindi anya maipon ang mga sumbong, mismong CSC na ang rumeresolba sa sumbong at ipinapasa naman ang reklamo sa sangkot na ahensya kung naroon ang solusyon sa problema.
Tiniyak ni Bala na hindi magagamit ang 8888 upang siraan lamang ang mga ahensya ng gobyerno o mismong opisyal at empleyado nito.
Bahagi ng pahayag ni Civil Service Commission Chairperson Alicia dela Rosa-Bala
Ibinalita ni Bala na libre na ngayon ang tawag sa 8888 kung gagamit ng landline kahit mula sa malalayong probinsya.
Samantala, nananatili naman sa regular rate kung gagamit ng cellphone sa pagtawag.
Nakatanggap ang CSC ng 442 tawag sa unang 24 na oras na operasyon ng 8888.
Kabilang sa mga reklamo ay mabagal na aksyon o kawalang aksyon ng ahensya ng gobyerno kung saan may transaksyon ang nagrereklamo, katiwalian sa barangay, problema sa relokasyon ng mga squatters at problema sa mabagal di umanong pag-iisyu ng SSS ID at pag-release ng pensyon.
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas