Patuloy ang ginagawang pag-aresto ng mga otoridad sa mga Trump supporter na lumusob sa US Capitol.
Kasunod na rin ito nang pagkakadampot ng federal agents sa dalawa pang rioter mula sa Capitol Hill.
Sa gitna na rin ito ng imbestigasyon ng mga otoridad sa paglusob ng Trump supporters sa US capitol sa tangkang pagpigil na pormal na ideklara kay Joe Biden bilang nanalong bagong Pangulo ng Amerika.
Dose dosena katao na ang kinasuhan matapos lumusob sa US capitol kasabay ang paghingi ng tulong sa publiko para matukoy ang iba pang Trump supports matapos ipakalat sa internet ang litrato at video ng nasabing paglusob at mga riot kung saan lima katao ang nasawi kabilang ang isang police officer.
Samantala sasampahan naman ni Pinoy rock musician Dong Abay ng cyber libel case ang dalawang US based Pinoys na sina Atty Rodel Rodis at veteran editor journalist Gemma Nemenzo.
Si Abay na nakabase sa Pilipinas sa buong buhay n’ya ay tinukoy nina Rodis at Nemenzo bilang FilAm insurrectionist Trump supporter na pumasok sa US Capitol, bitbit ang isang walis tambo at naka-costume pa ng Captain America.
Inakusahan ni Abay nang pagpapakalat ng pekeng balita sina Nemenzo at Rodis na humingi na rin ng paumanhin sa Pinoy rock musician matapos burahin ni Nemenzo ang unang post nito.