Aabot na sa halos isang daang (100) mga miyembro at sub leader ng bandidong grupong Abu Sayyaf ang sumuko sa pamahalaan simula noong Enero.
Ayon kay Western Mindanao Command Lt. Gen. Carlito Galvez, ito na ang pinakamaraming bilang ng mga bandidong sumuko sa loob lamang ng kalahating taon.
Batay sa tala ng militar, limamput apat (54) sa mga sumukong bandido ay galing sa Basilan, labing siyam (19) ang mula sa Sulu, dalawampu’t isa (21) sa Tawi-Tawi at dalawa (2) mula Zamboanga.
Naniniwala naman si Galvez na ang nagpapatuloy na opensiba ng pamahalaan ang dahilan ng pagsuko ng mga nasabing bandido.
By Krista De Dios | With Report from Jonathan Andal