Nadagdag pa ng 130 ang bilang ng mga convict na maagang napalaya sa pamamagitan ng GCTA o Good Conduct Time Allowance na kusang sumuko sa mga otoridad.
Batay sa datos ng Department of Justice o DOJ, kahapon ng alas 10:00 ng umaga, pumalo na sa 2,137 ang mga convict na sumuko.
Ayon kay Department of Justice Spokesperson at Undersecretary Markk Perete, kabilang na sa nasabi ang 236 na kasalukuyang nasa kustodiya pa rin ng pulisya.
Magugunitang sa talaan ng DOJ, nasa 1,914 lamang na convict na maagang napalaya ang kanilang inaasahang susuko.
Una na ring sinabi ng DOJ at Bureau of Corrections na kanila nang nililinis ang listahan ng mga napalayang convict sa pamamagitan ng GCTA matapos na hindi magkatugma ang bilang ng mga sumuko at ng unang listahan na kanilang inilabas.