Umabot na sa 76 ‘heinous crime’ convicts na nakalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law ang sumuko sa gobyerno.
Ayon kay Melvin Buenafe, Bureau of Corrections (BuCor) OIC, dumating kagabi sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa ang isang bus mula Cagayan Valley sakay ang 28 surrenders.
Una nang sumuko ang mahigit sa 40 convicts na mula sa ibat-ibang police station sa bansa.
Kasunod pa rin ito ng 15-day ultimatum ng Pangulong Duterte sa mahigit kumulang 2,000 convicts na nakalaya sa ilalim ng GCTA.
Aniya kailang sumuko ng mga nakalayag convicts bago ang ibinigay na deadline kung hindi ay ipapa-aresto na ito kahit walang warrant (warrantless arrest).