Naibalik na sa custody ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mga sumukong convicts na una nang pinalaya sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), umabot na sa 353 convicts ang nagbalik kulungan na.
Pinakamarami ang sumuko sa PNP Regions 1, 5 at 6.
Una nang nagbigay ng deadline na September 19 ang Pangulong Rodrigo Duterte para sumuko ang halos 2,000 convicts na napalaya sa ilalim ng GCTA.
Ikakasa naman ng PNP ang kanilang tracker team upang tugisin ang mga mabibigong sumuko pagkatapos ng deadline. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)