Mahigit 1,000 heinous crime convicts na napalaya sa ilalim ng bisa ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law ang sumuko na sa mga otoridad.
Ito ay ayon kay Department of Justice (DOJ) Undersecretary Markk Perete kung saan nasa kabuuang bilang na 1,025 convicts na ang kusang sumuko (as of Wednesday, 2 p.m.).
Ayon kay Perete, magpapadala sila ng bagong listahan ng mga napalayang convicts sa Department of Interior and Local government (DILG) upang maging guide sa muling pag-aresto sa mga convicts na hindi pa rin sumusuko sa loob ng itinakdang 15-day deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, nasa 1,914 heinous crime convicts ang nasa orihinal na listahan ng BuCor ngunit kinakitaan ng mga errors na kinalauna’y inaming minadali lamang ang paggawa nito.
Paglilinaw pa ni Perete, hindi na nila isasama sa bagong listahan na kanilang gagawin ang pangalan ng mga napalayang convicts na sumuko na sa otoridad.