Hindi lamang ang mga benepisyaryo ng pantawid pamilyang pilipino program o 4P’s ang makatatanggap ng libreng bigas sa gobyerno kundi pati na rin ang mga sundalo at pulis.
Kaugnay nito, sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno na posibleng masimulan ang pamimigay ng tig-Dalawampung kilo ng bigas kada buwan sa Oktubre .
Para aniya maging sistematiko ang distribusyon ng bigas, bibigyan ng food stamp o coupon ang mga benepisyaryo at pupunta sa mga otorisadong retailers ng national food authority o NFA.
Sa ganitong paraan, ayon kay Diokno, maiiwasan ang tulakan, siksikan at mahabang pila na maaaring mapagsimulan ng gulo.
By: Meann Tanbio / ( Reporter No. 23 ) Aileen Taliping