Hindi magsisilbing special board of election inspectors ang mga sundalo sa Lunes.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, ito ay upang matutukan ng AFP ang seguridad sa eleksyon, partikular ang paglilipat ng vote counting machines at iba pang kagamitan sa mga kritikal na lugar.
Sinabi ni Padilla na maaari lamang magsilbing special BEI ang mga sundalo kung aatras ang mga guro subalit mayroon na din sinanay ang COMELEC na mga kawani ng PNP upang magsilbing special BEI kung kinakailangan.
By Katrina Valle | Jonathan Andal (Patrol 31)