Hindi dapat gamitin ang militar sa nalalapit na eleksyon.
Ayon kay Senator Richard Gordon , hindi tamang makialam ang mga sundalo sa pagdaraos ng halalan.
Ang tungkulin anya ng militar ay protektahan ang bansa laban sa external threat.
Mga pulis anya ang may tungkulin protektahan ang publiko at panatiliing mapayapa at maayos ang halalan.
Hindi naman na aalarma si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa banta ng Pangulong Rodrigo Duterte na gagamitin ang militar para masiguro ang malimis, mapayapa at maayos na eleksyon.
Ito ayon kay Zubiri ay dahil sa professional ang ating mga sundalo kaya’t tiyak na hindi sila magpapagamit sa anumang usaping politikal.
Karaniwan na anyang andyan ang militar para panatiliing mapayapa ang halalan.
Kapag anya may nagiging bias na pulis sa isang kandidato sa isang lugar, pumapasok talaga ang militar para mapanatili ang kaayusan.
Nasa pagpapasya anya ng COMELEC kung kailangan ng militar sa ginaganap na eleksyon sa bansa. —sa ulat ni Cely Ortega Bueno (Patrol 19)