Higit sa 200,000 tropa ng gobyerno ng Brazil ang pinalarga upang magturo sa publiko kung paano sugpuin ang mga lamok na siyang sanhi ngayon ng kumakalat na Zika virus.
Bahagi ng laban ni Brazilian President Dilma Roussef ang nasabing opensiba kontra sa nasabing virus na itinuturong dahilan ng ilang mga birth defect.
Inaasahang 3 Milyong tahanan sa 350 lunsod sa brazil ang puputahan ng mga sundalo kasama ang ilang health worker upang magpamudmod ng mga polyetos ukol sa Zika virus.
Layon ng hakbanging ito na masira ang mga pinamumugaran ng lamok na aedis aegypti na, bukod sa zika virus, sanhi rin ng dengue, chikingunya, at yellow fever.
By: Avee Devierte