Itatalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalo bilang organizer ng international events na gagawin sa bansa.
Sa gitna na rin ito ng mga umano’y kapalpakan ng organizers sa pagho-host ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.
Sinabi ng pangulo na ang mga itatalaga ang mga ito sa international events dahil magagaling na organizer ang mga ito lalo na’t ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay isang malaking grupo at nasanay ang mga sundalo na maging structural sa training.
Dagdag pa ng pangulo, mas kampante siya sa military men dahil hindi aniya masyado ang korupsyon dito.
Magugunitang maraming dating opisyal ng militar ang itinalaga ng pangulo sa ibat ibang posisyon sa gobyerno.