Libre nang makasasakay sa Light Rail Transit o LRT Line 2 ang mga sundalo.
Sa nilagdaang kasunduan sa pagitan ng Light Rail Transit Authority o LRTA at Armed Forces of the Philippines o AFP kahit hindi naka-uniporme kailangan lang magpakita ng ID ang sundalo para malibre sa tren.
Ayon kay LRTA Administrator Reynaldo Berroya ito’y bilang pagkilala sa naging kontribusyon, dedikasyon at kabayanihan ng mga sundalo lalo na sa Marawi.
Sa panig naman ng AFP sinabi ni Major General Ronnie S. Evangelista, Commander ng Civil Relations Service ng AFP malaking karangalan para sa mga sundalo ang pagpapakita ng suporta sa kanila ng iba’t ibang sektor.
Matatandaan na una nang binigyan ng libreng sakay ng LRT Line 2 ang mga pulis bilang bahagi ng pagpapaigting ng seguridad sa nasabing pasilidad.
—-