Maaaring pumili ng ibang brand ng bakuna kontra COVID-19 na ituturok sa kanila ang mga sundalo.
Ito ang inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP), kung hindi gusto ng mga sundalo ang bakunang likha ng Chinese company na Sinovac.
Gayunman sinabi ni AFP spokesperson Major General Edgard Arevalo na hindi na ito magiging libre at kailangan nang bayaran ng mga sundalo ang pinili nilang brand ng bakuna.
Paliwanag ni Arevalo, hindi na kasi nakalaan sa AFP ang iba pang brand ng anti-COVID-19 na kanilang pipiliin maliban sa Sinovac.
Ayon pa kay Arevalo, kinakailangan mabakunahan kontra COVID-19 ang lahat ng 150,000 miyembro ng AFP dahil magsisilbi itong proteksyon sa kanila.
Inaasahang darating ang unang batch ng 600,000 doses ng anti COVID-19 vaccine ng Sinovac sa linggo, ika-28 ng Pebrero, kung saan 100,000 ang nakalaan para sa militar.
Pagtupad ng mga misyon na ‘yan kailangan protektado ang ating mga tauhan. With 91% sa vaccine na ito, may EUA naman siya, wala naman tayong nakikitang dahilan kung bakit sila ay hindi dapat bigyan ng bakuna, para pong mga sundalo natin na binibigyan ng protection equipments na panglaban dahil haharap nga siya sa matinding kalaban hindi natin pwedeng payagan na maging optional na ito maging bahagi at ito ang available, hindi dahil siya ay may duda at agam agam sa force protection equipment hindi niya ito isusuot. This are part of our uniform, part of protecting our people”, ani Arevalo.