Nananatiling mataas ang morale at determinado ang mga sundalo na tuluyang mapapalaya ang Marawi City mula sa Maute group.
Tiniyak ito ni Armed Forces of the Philippine (AFP) Chief of Staff General Eduardo Año sa gitna na rin nang tumitinding bakbakan sa Marawi City habang patuloy ang pagbawi ng militar sa malaking bahagi ng lungsod.
Binisita ni Año ang mga sundalong lumalaban sa Maute group sa nakalipas na 71 araw na.
Marawi malapit nang mapalaya sa kamay ng Maute
Palapit na nang palapit ang tropa ng gobyerno para tuluyang mapalaya sa kamay ng Maute group ang Marawi City.
Ito ayon kay Captain Jo-ann Petinglay, spokesperson ng Western Mindanao Command at Task Force Marawi, pinatunayan nang pagkakapaslang sa 11 pang miyembro ng Maute group.
Ipinabatid ni Petinglay na nasa 114 na sundalo at 45 sibilyan ang nasasawi sa patuloy na bakbakan sa Marawi City.
Lorenzana: Kaligtasan ng komunidad responsibilidad ng lahat
Luma na ang mga bantang terorismo sa labas ng Marawi City na ibinunyag ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mambabatas.
Ito ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana ay dahil matagal nang nandyan ang mga bantang ito ng mga terorista sa loob at labas ng Mindanao.
Sinabi ni Lorenzana na kahit sa Maynila ay mayroon nang mga nangyaring terrorist attack dahil malayang nakakagalaw ang mga terorista kaya’t hindi aniya nawawala ang banta sa seguridad.
Dahil dito, pinayuhan ni Lorenzana ang publiko na maging mapagmatyag lalo na’t ang kaligtasan ng komunidad ay hindi lamang aniya trabaho ng mga pulis at sundalo kundi lahat ng tao.