Nakaposte na ang puwersa ng Southern Luzon Command o SOLCOM ng Philippine Army sa mga lalawigan ng Quezon at Aurora.
Ito’y makaraang itaas ang Red Alert Status ng NDRRMC para tumugon sa mga mangangailangan kasabay ng pananalasa ng Bagyong Karen.
Kasunod nito, nagpapatuloy naman ang ginagawang site clearing operations sa bahagi ng binangonan sa Rizal kung saan, may naitalang pagguho ng lupa na nagresulta sa pagkasawi ng tatlo at ikinasugat ng isa.
Samantala, aabot naman sa mahigit 50 pasahero ang kasalukuyang stranded sa hilagang Quezon na kasalukuyang binabayo ng bagyo.
By: Jaymark Dagala