Pina-atras na ni Russian Defense Minister Sergei Shoigu ang mga sundalo nito sa pag-atake sa lungsod ng Kherson sa Ukraine.
Sinabi ng commander ng Russia na nasa ukraine na si Sergei Surovikin na isa ito sa mahirap na desisyon at itinuturing na major retreat o potential turning point sa giyera sa pagitan ng dalawang bansa.
Pinatitiyak din Shoigu na ligtas na mapu-pullout ang lahat ng mga kagamitan ng mga sundalo sa pagtawid sa DNIPRO river
Hindi naman kampante ang ukraine sa balitang ito dahil may ilan pa ring mga Russian forces ang nananatili sa Kherson.
Nabatid na ang naturang kabisera ang tanging regional capital na napasakamay ng Russia mula ng maglunsad ng special military operations noong Pebrero.