Pinasalamatan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa si Pangulong Rodrigo Duterte patuloy na ibinibigay na tiwala sa kanila.
Ito ay matapos banggitin ng Pangulong Duterte na pangungunahan ng mga sundalo ang pamamahagi ng bakuna kontra COVID-19 sa lahat ng Filipino, sakaling maging available na ito.
Ayon kay AFP Spokesperson, Marine Major General Edgard Arevalo, kasunod ng pahayag ng Pangulo, agad inutos ni chief of staff General Felimon Santos Jr. ang pagpaplano at paghahanda para sa pamamahagi ng bakuna.
Sinabi ni Arevalo, mahalagang mapaghandaan aniya ito ng maaga lalo na’t batay sa inihayag ng pangulo, inaasahan na ang bakuna kontra COVID-19 sa Disyembre at makababalik na sa normal ang sitwasyon sa Pilipinas. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)