Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na maaari pa ring makapag-tiktok ang mga sundalo gamit ang kani-kanilang personal na cellphone.
Subalit kailangan lamang tiyakin na hindi ito konektado sa network ng militar at hindi makokompromiso ang seguridad ng AFP .
Ito ang kinumpirma ni AFP Spokesman Colonel Francel Padilla kasunod ng pagbabawal sa mga sundalo na gumamit ng tiktok app dahil sa banta sa cybersecurity.
Ayon kay Colonel Padilla, taong 2021 pa ipinatupad ang pagbabawal sa pagtitiktok ng mga sundalo at mas pinaigting lamang nila ito ngayon bunsod ng ilang banta mula sa ilang grupo.
Paliwanag pa ng opisyal, hindi pinahihintulutan ng kampo ang pagconnect sa military network para lamang makapag-tiktok.
Sinumang AFP official ang mahuling lumabag sa direktiba ay sasailalim sa imbestigasyon at posibleng patawan ng karampatang parusa. – sa panunulat ni Maianne Dae Palma