Bibigyan ng bakuna ang mga sundalong nakikipagbakbakan sa Marawi City.
Sinabi ni Health Secretary Paulyn Ubial na magdadala ang kanyang tanggapan ngayon ng mga bakuna at gamot sa Marawi City para sa mga sundalo.
Anti- Flu at Pneumococcal Vaccine ang ibabakuna sa mga sundalo para hindi magkasakit ang mga ito sa pakikibakbakan sa mga terrorista.
Bibigyan din aniya ang mga sundalo ng mga gamot para matiyak na hindi magkasakit ang mga ito.