Pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang tagumpay ng 1st Infantry Division (1ID) ng Philippine Army at ng joint task force sa paglaban sa terorismo.
Kamakailan nagdaos ng Talk to Troops ang pangulo sa Kuta Major Cesar Sang-an sa Labangan, Zamboanga del Sur.
“You have never failed to answer the call of duty with honor, with pride, and with the passion and the love for the Republic of the Philippines.” ayon sa pangulo,
Sinabi ng pangulo na patungo ang bansa sa dulo ng peace process.
“Iyan ang ating hangarin para sa ating mga kababayan, Kristiyano man, Muslim man, kung saan man sila galing dapat lahat ay magkasama, hindi na magkalaban, hindi na magkagulo-gulo.” dagdag ng pangulo.
Sa ginawang camp visit ng pangulo, nagsagawa ng situation briefing sa pangulo ang commander ng commander 1st ID sa Tabak Gymnasium.
Ang Joint Task Force Zamboanga Peninsula at Lanao (JTF ZamPeLan) ay binubuo ng 1st ID, Naval Task Group-ZamPeLan, at Tactical Operations Group 9, na sumasakop sa Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Misamis Occidental, at bahagi ng Misamis Oriental.
Maliban sa mga rebeldeng komunista, communist at iba pang terrorist groups, minomonitor din ng task force ang peace process sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at sa Moro National Liberation Front (MNLF) na mayroong combat force na 5,000.
Kabilang sa accomplishment ng mga sundalo sa lugar ang pagkakalansag sa anim na CTG guerilla fronts sa kanilang area of responsibility; may na-recover na 48 armas at napatay sa engkwentro ang apat na high-value individuals.