Itatalaga ng pamahalaan ang mga sundalo bilang pansamantalang kapalit ng mga nag-resign na opisyal ng Bureau of Immigrations (BI).
Ito’y, ayon kay DBM o Department of Budget and Management Secretary Benjamin Diokno ay upang maibsan na ang mahabang pila sa mga Immigration booth sa NAIA o Ninoy Aquino International Airport dulot ng kakulangan ng mga tauhan.
Aniya, kanila nang sinasanay ang nasa dalawang daang (200) sundalo para pansamantalang umupo bilang kapalit na Immigration officers.
Gayunman, hindi binanggit ni Diokno kung nakahanda na ang mga nasabing sundalo na tumao sa mga booth sa Semana Santa kung saan inaasahang dagsa ang mga parating at papaalis na mga mananakay.
By Krista de Dios