Sumabak sa urban warfare training ang nasa 220 mga sundalong Pilipino sa Camp Capinpin Tanay, Rizal sa ilalim ng tropa ng Australia.
Ayon kay Philippine Army 2nd Infantry Battalion Commander Major General Rhoderick Parayno, layunin nito ang mapagbuti ang operasyon ng militar kasunod ng naganap Marawi siege.
Paliwanag ni Parayno, matapos ang nangyari sa Marawi City, kanilang nakita na kulang ang karanasan ng mga sundalong Pilipino pagdating sa urban operations kaya’t mahalaga ang nasabing pagsasanay bilang paghahanda sa hinaharap.
Aniya, matatapos na sa training ang unang batch ng 110 sundalo ng Philippine Army 1st Infantry Battalion sa Disyembre 2 habang ang second batch ay sa 17.
Kasunod nito, nakatakda namang sumabak sa urban warfare training ang mga miyembro ng Philippine Marines sa Ternate, Cavite.
—-