Lumahok ang mga sundalong hapones sa joint exercises ng US at Filipino troops sa San Antonio, Zambales.
Sinasabing nagbigay ng humanitarian support ang Japanese contingent sa drill nang gumawa ang US at Philippine Marines ng amphibious landing para kunin muli ang teritoryo ng bansa na kunwari’y kinubkob ng mga terorista.
Sa war games, limampung sundalong hapones na walang armas at naka-camouflage ang nagmartsa katabi ng apat na armored vehicles at sinundo ang mga sugatang sundalong Pinoy at Amerikano.
Ang sampung araw na Kamandag exercises ay pormal na magtatapos sa darating na Miyerkules.