Pinayagan na ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang ilan nitong miyembro na bumalik sa training upang makalahok sa Asian Boxing Championships sa Bangkok, Thailand sa Agosto 25 ngayong taon.
Ang naturang torneo ay magsisilbing qualifier para sa World Championships sa Doha, Qatar sa Oktubre.
Nagpasalamat naman sina Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) President Ricky Vargas at Executive Director Ed Picson kay Defense Secretary Voltaire Gazmin matapos pakawalan ang mga boksingero na ni-recall sa kani-kanilang military units nang mapaso ang kanilang detailed service permits noong Hunyo 30.
Ayon kay Vargas, bagama’t wala sa aktuwal na giyera ang mga boksingerong miyembro ng AFP ay digmaan naman sa ring ang kanilang sinasabakan at nagdadala rin ng karangalan sa bansa.
By Jelbert Perdez