Halos 80 sundalo na ang inalis sa battle ground sa Marawi City upang ipagamot matapos dapuan ng iba’t ibang sakit.
Ayon kay AFP o Armed Forces of the Philippines Spokesperson Brigadier General Restituto Padilla karaniwan sa mga sakit ng sundalo doon ang malaria, dengue, leptospirosis at kagat ng aso.
Pero, wala naman aniyang dapat na ipag-alala dahil maayos namang nalalapatan ng lunas ang sakit ng mga ito sa pamamagitan ng kanilang medical facilities malapit sa battle ground.
Agad din aniyang ini-airlift ang mga sundalong malala ang kondisyon patungo sa pinakamalapit na ospital kagaya sa Cagayan de Oro.
—-