Kinilala ng Philippine Army ang mga sundalong nasawi sa limang buwang kaguluhan sa Marawi City.
Kasabay ito nang paggunita sa ikalawang taong anibersaryo ng marawi siege o giyera sa pagitan ng tropa ng gobyerno at Maute group.
Nagtipon para sa isang seremonya kahapon ang mga aktibo at retiradong opisyal at tauhan ng militar sa Marawi Pylon ng Libingan ng mga Bayani.
Ayon kay Army Commanding General Lt. Gen. Macairog Alberto, hindi makakalimutan ang mga sundalong nagbuwis ng buhay sa paglaban sa mga terorista.
Nagsama sama ang mga sundalo at kaanak ng mga nasawing sundalo sa isang picnic matapos ang seremonya.
Magugunitang 1,000 katao ang nasawi sa Marawi siege kabilang ang 165 na sundalo.