Mahigit 200 sundalo ang sumalang sa urban warfare training na pinangunahan ng Australian Army.
Ang naturang pagsasanay ayon sa Philippine Army ay bahagi nang pagpapalakas ng gobyerno sa operational capability ng militar para labanan ang mga terorista na may masamang plano sa mga lungsod at highly populated communities tulad nang ginawa ng mga ito sa Marawi City.
Ipinabatid ni 10th Infantry Division Commander Major General Noel Clement na nakatuon ang dalawang linggong training sa urban close combat, search and breach operation, managing trauma, communication operation, command and control in urban operation, snipping at counter sniping, joint fires and airspace deconfliction.
Anim na opisyal ng Philippine Army at 252 enlisted personnel ang kabilang sa training na bahagi ng Philippines Australia Army to Army Exercise.
RPE