Umaasa ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines o AFP na walang ni isa man sa mga sundalo ang sangkot sa mga iligal na aktibidad tulad ng droga at sugal.
Ito’y makaraang simulan na ng AFP ang kanilang imbestigasyon hinggil sa mga sundalong kabilang sa umano’y drug list ng nasawing si Albuera Mayor Rolando Espinosa.
Ipinag-utos na rin ng AFP Chief ang recall sa mga sundalong nabanggit sa drug list ni Espinosa pabalik ng Kampo Aguinaldo para sa nasabing imbestigasyon.
Kasunod nito, nagbabala si Visaya sa lahat ng mga sundalo hinggil sa pagtanggap ng tulong pinansiyal mula sa mga pulitiko o ilang indibiduwal.
Pagkasibak sa serbisyo at pagbawi ng mga benepisyo ang tiyak na kahaharapin ng sinumang mapatutunayang sangkot sa mga iligal na gawain.
By: Jaymark Dagala