Pinapurihan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga sundalong nakikipagbakbakan sa mga miyembro ng ISIS-Maute group sa Marawi City, Lanao del Sur.
Sa video na inilabas ng Presidential Communications Operations office, nagpapasalamat ang Pangulo sa walang tigil na pagsuporta ng militar sa kampanya ng gobyerno kontra terorismo at pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa Mindanao at buong bansa.
Inatasan naman ng Commander-In-Chief ang hukbong sandatahan na manatiling matatag at alerto habang umiiral ang batas militar laban sa mga nababalak na muling maghasik ng kaguluhan sa Mindanao.
Tiniyak naman ni Pangulong Duterte sa mga taga-Marawi ang tulong ng mga sundalo sa rehabilitasyon ng lungsod.
Samantala, nakatitiyak din anya ang lahat ng biktima kabilang ang pamilya ng mga nasawing sundalo na kanilang matatanggap ang lahat ng tulong mula sa gobyerno.
By: Drew Nacino
Mga sundalong sumabak sa Marawi pinapurihan ng Pangulo was last modified: July 4th, 2017 by DWIZ 882