Mayroon na lamang hanggang Hunyo 15 ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) upang magdesisyon kung ookupahin o hindi ang mga bakanteng pabahay na inilaan ng gobyerno para sa kanila.
Ito’y sa gitna ng sisihan ng AFP, PNP at National Housing Authority (NHA) officials sa isinagawang senate inquiry hinggil sa limampu’t limang libong (55,000) housing unit na nananatiling bakante sa nakalipas na ilang taon.
Kung mabibigo ang mga sundalo’t pulis na makaabot sa deadline ay i-te-turn over na lamang ang mga housing unit sa iba pang kwalipikadong beneficiary.
Ayon kay NHA General Manager Marcelino Escalada, sa halip na sa Mayo 30 ay pinalawig ang deadline hanggang Hunyo 15.
Mula anya sa 66,184 housing units, walong libo (8,000) lamang ang okupado ng beneficiaries mula sa uniformed sector.
Una ng inihayag ng AFP at PNP housing officials na masyadong maliit ang 22-square meter floor area para sa isang pamilya at kulang din sa basic facilities gaya ng kuryente at tubig maging ang mga maayos na kalsada.
By Drew Nacino
Mga sundalo’t pulis may hanggang Hunyo para okupahin ang NHA housing was last modified: April 19th, 2017 by DWIZ 882