Apektado narin ang mga supermarket sa patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin, at cost of operation sa Metro Manila sa kabila ng pagbubukas ng ekonomiya at pagdami ng foot traffic o bilang ng mga mamimiling pumapasok sa mga pamilihan sa bansa.
Sa pahayag ni Steven Cua, presidente ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association (PAGASA), tumaas narin ang cost of power maging ang halaga ng pasahod, kaya napiilitan nalang magbawas ng mga tauhan ang ilan sa mga supermarket.
Ayon kay Cua, isa pa sa problema ng mga supermarket ay ang suggested retail price na hindi umano nakakatulong sa kanilang negosyo.
Sinabi ni Cua na ang supermarkets sa Pilipinas ay isa sa mga may smallest margins sa buong mundo kaya bumabawi na lamang sila sa mga item na wala sa listahan ng Department of Trade and Industry DTI.
Bukod pa diyan, napipilitan na rin silang maghanap ng ibang alternatibong produkto na mas mura at abot kayang halaga para sa mga mamimili.